Connect with us

Sports

Asian Games Gold Medalist EJ Obiena, gagamit ng “20 steps” para sa kanyang paghahanda para sa Olympics

Published

on

Naghahanda na ang bagong tinanghal na Asian games gold medalist sa larangaan ng pole vault na si EJ Obiena para sa kanyang paglahok sa Summer Olympics na gaganapin sa Paris sa susunod na taon.

“I can’t tell everything or basically tell you the plans we’re having, but I can say that it’s gonna be a lot of hard work, a lot of precise sessions and precise timing of certain things. There’s not gonna be a lot of big technical adjustments. I think I’m sticking to 20 steps going into Paris,” ani Obiena sa isinagawang meet-and-greet ng kanyang sponsor na Allianz kahapon.

“It’s my first year doing it, and it definitely showed its potential. I was able to jump 6 meters twice—pretty consistent at 5.90 (meters). And yeah, I think my decision last year to 20 steps with the endorsement of my coach was the right move,” dagdag pa nito.

Ayon sa kanya, meron pa siyang 6 pang araw para mabuhay ng kaunti, magsaya at maging normal na tao bago umalis sa Europe sa Oktobre 15 para simulant ang kanyang mission na masungkot ang ginto sa Olympics.

“Last year I wanted to be world No. 2, and I’m world No. 2 now, so yeah. We’re aiming for that gold come Paris,” he said. “I don’t go to meets to go third, second—or just participate. My goal is to win and I’m gonna do all that I can to increase or solidify my chances, coming to Paris.”

Hindi na nagbigay ng ibang detalye si Obiena patungkol sa kanyang mensahe pero ang kanyang pangako ay Olympic gold para sa Pilipinas.

Si Obiena ay kasalukuyang pumapangalawa sa mundo ng men’s pole vault.

Siya rin ang kasalukuyang may hawak ng Philippine national record ng pole vaulting na may record na 5.55 metres na nagawa niya noong Abril 29, 2016, sa 78th Singapore Open Championships sa Kallang, Singapore at kalaunan ay binasag niya ang rekord ng Asian Athletics Championships na may 5.71 metro noong Abril 21, 2019, sa ika-23 biennial meet nito sa Doha, Qatar, na nagkamit sa kanya ng hinahangad na gintong medalya.