Sports
Carlos Yulo, sisindihan ang SEAG flame; Hidilyn, 5 iba pa, flag-bearers
Sisindihan ng world champion gymnast na si Carlos Yulo ang Southeast Asian Games (SEAG) flame cauldron sa opening ceremonies na gaganapin sa Nobyembre 30.
Samantala, silver medalist sa Olympic weightlifting noong 2016 na si Hidilyn Diaz, kasama ang lima pang atleta ang magdadala ng pambansang watawat ng Pilipinas sa parada ng national continents sa kaparehong araw sa Philippine Arena sa Bulacan.
Bukod kay Diaz, ang mga atleta na sina Asian Games skateboarding gold medalist Margielyn Didal, world boxing championships silver medalist Eumir Marcial, Olympic pole-vaulter EJ Obiena, world champion boxer Nesthy Petecio at SEAG judo champion Kiyomi Watanabe ay paparada rin sa national colors sa opening.
Pormal na ia-anunsyo ang mga development na ito sa isang press conference na io-organisa ng mga top sports officials ng SEAG.
Ayon sa mga opisyales, iniatas kay Yulo ang responsibilidad na ito sapagkat kinikilala nila ang mahalagang kontribusyon ng atleta sa larangan ng Philippine sports nang lumaban ito sa world artistic gymnastics championship sa Germany noong nakaraang buwan, kung saan naiuwi nito ang gold medal sa men’s floor exercise. Ito ang unang pagkakataon na nanalo ang isang Pilipino sa kasaysayan ng torneyo.