Connect with us

Sports

CHERRY MAE REGALADO, HANGAD MASUNGKIT ANG GINTO SA 2019 SEA GAMES

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Hangad pa rin ni Cherry Mae Regalado na masungkit ang gintong medalya sa nalalapit na Southeast Asian Games (SEA Games). Ito ay sa kabila ng pagkakapanalo niya ng gold at bronze medals sa ibang Asian level na timpalak sa larangan ng pencak silat.

Naniniwala ang 24-anyos na atleta na karapat-dapat siyang manalo ng medalya subalit umabot lamang sa ika-apat na puwesto noong 2017 SEA Games na ginanap sa Malaysia.

Hindi umano napigilan ni Regalado ang sarili at napaiyak na lamang, pero hindi ito nagging dahilan para bitawan niya ang kaniyang pangarap.

Nakatanggap din ng bronze medal si Regalado sa 18th Asian Games at sa Women’s Seri Singles Finals of the Pencak Silat sa  Jakarta.

Hindi biro ang kailangang pagdaanan ni Regalado para masungkit ang ginto sa 2019 SEA Games, kung saan ang Pilipinas ang maghu-host.

Isang buwan bago ang SEA Games, may iniindang knee injury ang atleta at Aklan State University alumna. Ayon sa kaniya, kailangan niyang siguraduhin ang kaniyang performance nang hindi lalala ang kalagayan ng kaniyang tuhod.

Nananatili namang matatag si Regalado at hindi niya hinahayaang mawalan siya ng pag-asa.  Naniniwala rin siyang papatnubayan siya upang makuha ang gold medal na siya rin niyang magiging comeback statement.