Connect with us

Sports

Dion Waiters, pinatawan ng 10-game suspension ng Miami Heat

Published

on

Dion Waiters. Photo courtesy | nba.com

Sinuspende ng Miami Heat ang kanilang shooting guard na si Dion Waiters at pinatawan ng 10-game suspension without pay dahil sa ginawa nitong conduct detrimental to the team.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng panick attack si Waiters matapos siyang mag-intake ng isang THC infused edible sa kanyang kinakain habang nasa flight ang koponan mula Phoenix papuntang Los Angeles.

Ang THC-infused edible ay isang aktibong sangkap ng marijuana at mahigpit na ipinagbabawal ng NBA ang pagkain o pag-inum na mayroon nito.

“We are very disappointed in Dion’s actions this season that include the very scary situation on Thursday night, and grateful that the outcome wasn’t worse.

There have been a number of instances this season in which Dion has engaged in conduct detrimental to the team. Accordingly, he will be suspended without pay for 10 games, including the Lakers game last Friday, and will be eligible to return after the Golden State Warriors game on Nov. 29.

We are proud of how our players have started the season. We expect all of our players, including Dion, to conduct themselves in accordance with the highest standards, and to show professionalism and respect for their teammates, the team, the fans and the NBA community.” –ibinahaging mensahe ng Miami Heat.

Ito na ang ikalawang beses na nasuspende si Waiters ngayong NBA season sa parehong rason.

Samantala, higit sa $834K ng kanyang suweldo ang halaga ng pinakabagong suspension nito.

Hindi rin umano siya karapat-dapat na makatanggap ng kanyang $ 1.2MM bonus sa paglalaro sa hindi bababa sa 70 games.

Nakapagtala si Waiter ng career 13.2-point scorer at average 14 points sa kada laro nito sa Miami Heat.

Source: Hoopsrumors.com