Sports
F2 Logistics Cargo Movers tinaguriang “QUEENS” ng 2019 PSL All-Filipino Conference
Tinaguriang “QUEENS” ang F2 Logistics nang angkinin ang korona ng 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference matapos nilang talunin ang Cignal HD Spikers sa straight sets 25-14, 25-16, 25-19 sa Game 2 kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sa hindi inaasahang magiging mahigpit na labanan, tinapos ng Cargo Movers ang best of three series sa 2-0 kung saan unang nagwagi rin ito sa Game 1 noong Sabado sa Smart Araneta Coliseum sa set scores na 25-22, 26-24, 18-25, 17-25, at nagtapos sa 15-8 desisyon.
Hindi na hinayaan pa ng Cargo Movers na humulagpos sa kanilang kamay ang tagumpay nang magpakawala ng malalakas na atake ang bawat manlalaro para makuha nilang muli ang korona.
Bumida ang isang Filipino-American Kalei Mau ng F2 Logistics matapos gumawa ng 19 points mula sa kanyang 17 Attacks, 1 ace 1 block at nakatulong niya si Kim Dy na may 13 points mula sa 9 attacks at 4 blocks para tapusin ang laro laban sa Cignal.
Huling nahawakan ng F2 Logistics ang korona sa All-Filipino Conference noong 2016 at nagging runner-up trophy sa taong 2017-2018 kung saan naagaw naman ng Petron.
Sa kabuuan, mayroon nang apat na korona ang Cargo Movers sa liga mula nang sumabak ito noong 2016.
Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/palaro/2019/08/28/1947094/f2-logistics-kampeon