Connect with us

Sports

Gilas Pilipinas pinatumba ang Latvia sa FIBA OTQ

Published

on

IPINAHIYA ng Gilas Pilipinas ang World No. 6 na Latvia sa sarili nitong court sa score 89-80 sa FIBA Olympic Qualifying Tournament.

Pinangunahan ni Justin Brownlee ang panalo ng Gilas matapos magtala ng 26 points, 9 rebounds, at 9 assists

Mula kasi sa first quarter hanggang last quarter ay domindado ng Gilas ang laro at hindi nila hinayaang makalamang ang World Number 6 na Latvia sa kanilang court na ginanap sa Riga Arena.

Sa ngayon ay umabante na ang national team sa Olympic Qualifying Tournament at nakatakdang makaharap ang Georgia mamayang alas 8:30 ng gabi, oras sa Pilipinas.