Connect with us

Sports

Gold Medal for the Golden Boy!

Published

on

Muli na namang pinatugtog sa Olympics ang Lupang Hinirang nang sungkitin ni Carlos Yulo ang gintong medalya sa Men’s Floor Exercise – Artistic Gymnastics ng #Paris2024 Olympics ngayong Sabado, August 3.

Nagtala si Yulo ng iskor na 15.000 in the men’s floor exercise final at nakakuha ng perfect points sa difficulty at execution.

Ito ang unang pagkakataon na nanalo ang Pilipinas ng ginto sa gymnastics at si Yulo ang kauna-unahang lalaking atleta sa bansa na nagwagi ng gold medal sa quadrennial event.

Samantala, ito ang ikalawang beses na nagkamit ng ginto ang bansa. Si Hidilyn Diaz ang unang nag-uwi ng ginto para sa weightlifting noong 2020.Tokyo Olympics, isang kasaysayan matapos basagin ang 97-year gold medal drought ng Pilipinas sa Olympics

Samantala, maaaring madagdagan ang gintong medalya ng Pilipinas sapagkat sasabak pa si Yulo sa finals ng vault sa Linggo, August 4.

Continue Reading