Connect with us

Sports

HIDILYN DIAZ BINUHAT ANG 3 GINTONG MEDALYA SA WEIGHTLIFTING ROMA WORLD CUP

Published

on

Nagwagi si Hidilyn Diaz ng tatlong gintong medalya sa Weightlifting World Cup 2020, 55-kilogram women’s division sa Rome, Italy kahapon araw ng Martes.

Matapos mabuhat ng Pinay weightlifting star ang 93 kilograms sa snatch at 119 kilograms sa clean and jerk ay nakapagtala pa ito ng 212 kilograms.

Nakuha naman ng pambato ng Ukraine na si Kamila Konotop ang 90kg. sa snatch at 106kg. sa clean and jerk.

Nasungkit naman ni Nouha Landoulsi mula sa Tunisia ang bronze medal makaraang makakuha ng 86kg. sa snatch at 108kg. sa clean and jerk.

Isa si Diaz sa mga atletang nakapag-uwi ng gintong medalya sa katatapos lang na Sea games at 2018 Asian Games.

Target ni Diaz na makapasok sa 2020 Tokyo Olympics sa buwan ng Hulyo.

Via: Trainee Daniel Pineda