Connect with us

Sports

‘I WANT THEM TO BELIEVE IN THEIR DREAMS”–Giannis Antetokounmpo

Published

on

Habang ang huling mga segundo ay papalapit bago manalo ang Milwaukee sa NBA Finals, hindi inisip ni Giannis Antetokounmpo ang kanyang kamangha-manghang performance ngunit sa halip ay pinag-isipan ang kanyang hindi kapani-paniwala na paglalakbay mula sa kahirapan hanggang sa pagiging champion.

Ang 26-taong-gulang na Greek forward ng Nigeria ay umiskor ng 50 puntos, na maaring ihalintulad sa greatest total in a close-out game sa kasaysayan ng NBA, upang manaig ang Milwaukee Bucks sa Phoenix 105-98 noong Miyerkules para sa kanilang unang korona na halos umabot sa half century bago makuha ulit ng koponan.

Nagkamada siya ng 14 na rebounds, limang shot blocks, nangingibabaw sa mga defensive moves at 17-for-19 na free throws na ipinamalas sa isang iconic all-around effort.

“It has been a long journey. I’ve done it all. I did anything that I could just to be in this position,”sabi ni Antetokounmpo.

“I’ve done it all. Tonight, that’s what I had to do. I had to do a little bit of everything. I had to defend, I had to rebound, I had to block.”

Sa 65,000 katao na nagpapalakpak sa mga kalye sa labas ng arena at 20,000 pa ang sumisigaw sa loob, nasungkit ni Antetokounmpo ang NBA Finals Most Valuable Player honours.

“I never thought I’m going to be 26 years old, with my team playing the NBA Finals. I never thought I would be sitting here. We’ve come a long way,”aniya.

“I started playing basketball just to help my family. Tried to get them out of the struggle, the challenges we were facing when we were kids.”

Nais ni Antetokounmpo na maging inspirasyon upang pukawin ang kabataan na lumaki sa mahihirap na panahon tulad niya.