Connect with us

Sports

Kahit bigo sa Georgia: Gilas pasok pa rin sa semis ng FIBA OQT

Published

on

NABIGO man ang national team laban sa Georgia, pasok pa rin ang Gilas Pilipinas sa semifinals ng FIBA Olympic Qualifying Tournaments.

Nagtapos ang laro sa score na 96-94 pabor sa Georgia na ginanap sa Riga, Latvia.

Nasa pangalawang puwesto ang Gilas Pilipinas sa Group A na mayroong 1 panalo at isang talo.

Dahil dito, dalawang panalo na lang ang kailangan ng Gilas Pilipinas at magtutuloy-tuloy na ito patungong Paris Olympics.

Samantala, pinangunahan naman ni Justin Brownlee ang laro ng Gilas na nakapagtala ng 28 points, 8 rebounds at eig8ht assists.

Tumulong din si Dwight Ramos (16 markers) at CJ Perez (14 markers) para sa Gilas.

Sa ngayon ay pinaghahandaan na ng Gilas ang susunod nilang laban sa rank no. 12 na Brazil sa Semifinals ng FIBA Qualifying Tournament.