Connect with us

Sports

Kai Sotto nakatanggap ng ‘offer’ para maglaro sa University of Georgia – report

Published

on

Photo courtesy | ourdailynewsonline.com

Nakatanggap umano ng pag-anyaya si dating Ateneo high school center Kai Sotto na maglaro para sa University of Georgia sa the US NCAA Division 1 program, ayon sa tweet ng sports website na tumututok sa college recruitment ngayong Lunes.

Sa website nito na Verbal Commits sinabi ng Auburn University, Georgia Institute of Technology (Georgia Tech), at DePaul University, tulad ng Georgia, ay nagpakita ng “medium interest” kay Sotto, na isang 4-star recruit ayon sa Rivals.com at ESPN.

Kasalukuyang nagtetraining si Sotto sa The Skill Factor sa Atlanta simula pa noong Marso 2019.

Kilala ang TSF sa customized coaching at training programs nito.

27 puntos at 10 rebounds ang average na nakuha ni Sotto nang maglaro ito sa isang invitational tournament nitong nakaraang buwan bago pumasok sa top 70 ng ESPN 100 rankings para sa recruiting class ng 2020. Remate.ph