Sports
Kiefer Ravena bagong ”captain” ng Gilas Pilipinas
Matapos masangkot sa kontrobersya, naging maganda ang pagbabalik ni Kiefer Ravena na ngayon ay “captain” na ng bagong Gilas Pilipinas squad.
Ito’y matapos na inanusiyo ni National coach Mark Dickel nitong Linggo na magiging team captain si Ravena ng Gilas Pililipinas.
“It suits him. He’s talkative, communicative. It’s his turn,” saad ni Dickel.
“I think he’s more than capable of taking that role and doing a great job with it,” dagdag pa nito.
Ayon kay Ravena, inamin nitong na nape-pressure siya sa pagiging kapitan ng koponan.
Kung kaya’t humihingi ito ng tulong sa mga beteranong manlalaro ng PBA gaya ni Marc Pingris para pangunahan ang PH pool.
“Humingi lang din ako ng tulong of course with the PBA guys, especially kay kuya Marc Pingris,” he said. “I won’t necessarily take all the cudgels na ako lang ‘yung team captain.
“May pressure, of course, but hindi ko inaako lahat. At least andiyan sina Poy [Erram], sina RR [Pogoy], CJ [Perez], Troy [Rosario], especially since ‘yung apat na ‘yun naka-experience ng World Cup,” dagdag nito.
Saad pa nito, na hindi porke’t siya na ang team captain ay gagawin na nito ang kahit anong gusto sa koponan.
Si Ravena ay five-time gold medalist sa SEA Games at isang World Cup participant.
Samantala, may nakatakdang laro ang Gilas sa Thailand sa darating na February 20 at susundan pa ng laro sa Indonesia, Jakarta.
Source: https://tiebreakertimes.com.ph/tbt/kiefer-ravena-embraces-pressure-that-comes-with-gilas-captaincy/178346 / Inquirer.net