Sports
Lebron James, kasama sa evacuees’ dahil sa sunog sa Southern California
Kabilang si NBA star LeBron James sa mga inilikas dahil sa malawakang sunog sa Southern California nitong Lunes.
Sa kanyang tweet, sinabi ni James na naghahanap ito ng malilipatan kasama ang kanyang pamilya matapos silang mag-“emergency evacuate” dahil hindi biro ang masunugan.
Nanalangin at inabisuhan din umano ni James ang mga nasunugan na maging ligtas.
Tweeter post ni Lebron James:
“Man these LA (fire emoji) aren’t no joke. Had to emergency evacuate my house and I’ve been driving around with my family trying to get rooms. No luck so far! “
“Finally found a place to accommodate us! Crazy night man!”
“I (pray emoji) for all the families in the area that could be affected by these (fire emoji) now! Pretty please get to safety ASAP “
My best wishes as well to the first responders (fire fighthers cap emoji) right now doing what they do best! (pray emoji)(fighting emoji)
Ayon kay Los Angeles Fire Department spokesman Capt. Erik Scott, nag-umpisa ang sunog bandang ala-1:30 ng madaling araw sa may Interstate 405 sa kahabaan ng Getty Center hanggang kumalat ang apoy ng mahigit 70 ektarya.
Patuloy pa rin umanong inaalam ng opisyal kung ano ang sanhi ng nagyaring sunog at pagbilis ng pagkalat nito.
Source: Spin.ph