Connect with us

Sports

Majoy Baron at Dawn Macandili, nakakuha ng ASEAN Volleyball Awards

Published

on

2019 Asean Grand Prix Volleyball Best Libero Dawn Macandili and Best Middle Blocker Majoy Baron from Team Philippines. Photo courtesy | @dawn_macandili Instagram photo

Matapos makuha ng national volleyball team ang ikalawang tansong medalya sa ASEAN Grand Prix Second Leg ay nakakuha naman ito ng dalawang individual awards nitong Linggo sa Sta. Rosa Multi-purpose Gym.

Napanatili ng La Salle star na sina Majoy Baron ang pagiging Best Middle Blocker habang si Macandili naman ay nagpakitang-gilas para depensahan ang Philippine squad hanggang makuha nito ang Best Libero sa torneo.

Nakapagtala si Baron ng average 6.7 point at 7 kill blocks sa tatlong match.

Ito na ang ikalawang best blocker award na nakuha ni Baron sa paglalaro.

Hindi naman pinalampas ng dalawa ang lubos na pagsasalamat kay coach Ramil De Jesus sa pag-mentor sa kanila.

Kasama ng dalawa sa pagtanggap ng parangal ang MVP at Best Spiker ng Thailand, nakuha naman ng Indonesia ang  Best Setter at Best Server.

ASEAN Grand Prix second leg awardees:

Pleumjit Thinkaow (THA) – Most Valuable Player

Pimpichaya Kokram (THA) – Best Spiker

Majoy Baron (PHI) – Best Blocker

Tri Retno Mutiara Lutfi (INA) – Best Setter

Ratri Wulandari (INA) – Best Server

Dawn Macandili (PHI) – Best Libero

Read more: Rappler.com

Continue Reading