Sports
‘Make or Break’ para sa Gilas vs Italy sa FIBA World Cup opener
Gaganapin na mamayang alas 7:30 ng gabi ang engkwentro ng Gilas Pilipinas at European power Italy sa pagsisimula ng prestihiyosong 2019 FIBA World Cup ngayong araw sa Foshan International Sports and Cultural Arena sa Foshan, China.
Ayon kay coach Yeng Guiao, ang laban sa Italya ay magiging “make or break” game para sa Gilas dahil ito ang magdidikta kung magpapatuloy pa ang koponan sa paligsahan.
“Gilas Pilipinas’ FIBA World Cup opener against Italy will be a “make or break” game, feeling the result will likely dictate how far the team would go in the tournament”, ani Guiao.
Sinabi pa ni Guiao na handa na ang national team at pati na rin ang game plan nito para sa laro.
Umaasa ito na maisasakatuparan ng kanyang koponan ang plano partikular na ang outside shooting na siyang magdadala sa kampanya ng Gilas.
“It’s a realization that eto na yung labanan, eto na talaga yung competition so you better be ready but it feels that you’re in heaven. Enjoy na lang natin talaga ito. We will just play our best, the way we know how to play basketball,” ani Guiao.
Kinakailangan ng dalawang panalo ang makuha ng Gilas para makausad sa susunod na yugto.
Kasama ng Pilipinas at Italy sa Group D ang 2016 Rio Olympics silver medalist Serbia at African champion Angola.
Personal ding manonood si Pangulong Rodrigo Duterte sa laban kung saan ito ang magiging motibasyon at inspirasyon ng Pinoy squad para maipanalo ang laro.
http://tempo.com.ph/2019/08/30/make-or-break-for-gilas-as-it-faces-italy-in-world-cup-opener/