Connect with us

Sports

MALUPIT NA 3 POINT’ SHOT NI LEBRON JAMES NAGDALA NANG PANALO SA LAKERS VS WARRIORS

Published

on

Image: Lakers/FB

MULING BUMIDA ng malupit na tres si LeBron James sa huling minuto ng laro sa Western Conference play-in game, para sa 103-100 panalo ng Los Angeles Lakers kontra Golden State Warriors.

Humataw si James ng 22 points, 11 rebounds at 10 assists habang si Anthony Davis ay humugot naman ng 25 points at 12 rebounds.

Ang pagkapanalo ng Lakers sa laro ay maglalagay sa kanila sa seventh seed sa West playoffs laban sa Phoenix Suns na magsisimula sa Linggo.

Maghaharap naman ngayon si Stephen Curry at ang Warriors sa do-or-die game para sa eighth seed laban sa Memphis Grizzlies sa Chase Center, San Francisco sa Biyernes.

“We’ll be ready,” pahayag naman ni Curry, na naka-iskor ng 46 points.

Aniya pa, galit at na dismaya ang kaniyang koponan sa resulta ng laro.

“Right now, it sucks…Walking in the locker room, guys are upset, angry, frustrated that we didn’t get the job done. We know [the Grizzlies are] going to come in with the same desperation we’re going to have. It’s the biggest game of the year,” saad ni Curry.