Connect with us

Sports

NBA: Anthony Davis tinanggihan ang $146M contract ng Lakers

Published

on

Anthony Davis is averaging 27.7 points, 9.5 rebounds and 2.6 blocks this season. (AP Photo/Ringo H.W. Chiu)

Tinanggihan ng six-time NBA All-Star na si Anthony Davis ang offer ng Los Angeles Lakers na $146-million contract extension para sa apat na taon.

Ayon sa ini-report ng isang pahayagan, mas gusto aniya ni Davis na mag-focus ngayong season at dahil na rin sa implikasyon ng salary-cap ng Lakers.

Ngunit, sabi umano ni Davis na bukas ito sa kagustuhang maging free agent sa pagpasok ng Hulyo.

May pagkakataon pa ang Lakers na panatilihin si Davis, pwede silang mag-ooffer  ng mahigit five-year, $202-million agreement para win-win ang  parehong kampo.

Bilang NBA Defensive Player of the Year Award, natulungan ni Davis ang Lakers ngayong season para umangat sa 29-7 record ang LA.

Nakapagtala si Davis ng average score na 27.7 points, 9.5 rebounds, 3.2 assists at 2.6 blocks kada laro.

Source: abante.com / yahoo.sports.com