Connect with us

Aklan News

NBA legend na si Dwight Howard, bibisita sa bayan ng Kalibo

Published

on

Photo Courtesy: NBA

BIBISITA sa Aklan, partikular sa bayan ng Kalibo si NBA Legend at 8X NBA All Star Player na si Dwight Howard.

Ayon kay Mayor Juris Sucro, “first time in the history” na may sikat na NBA player ang bibisita sa bayan ng Kalibo.

Magkaroon naman ng “meet and greet” sa darating na Hulyo 13, 2024 sa Magsaysay Park.

Sa ngayon ay sabik na ang mga basketball fans at basketball enthusiast sa bayan ng Kalibo at lalawigan ng Aklan na makita personal ang sikat na NBA player.