Sports
P35.5 milyon at house and lot, naghihintay kay Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz sa Pinas


Naghihintay na sa pag-uwi ni weightlifting star Hidilyn Diaz sa Pilipinas ang P33 milyon at house and lot dahil sa pagkapanalo ng kauna-unahang gold medal sa Tokyo Olympics.
Ayon sa batas, makakatanggap si Diaz ng P10 million mula sa gobyerno matapos mabuhat ang gold sa weightlifting ng women’s 55kg category sa Tokyo Olympics, Lunes ng gabi.
Nangako din ng dagdag na tig P10 million ang mga business tycoons at sports patrons Manny Pangilinan ng PLDT at Ramon Ang ng San Miguel.
Nagdagdag din ng P3 million sina deputy speaker Mikee Romero at P2.5 million mula sa kanyang hometown na Zamboanga City kaya aabot sa kabuuang P35.5 million ang cash prize na matatanggap ni Diaz.
Bukod dito, makakatanggap din siya ng house and lot mula kay Philippine Olympic President Abraham Bambol Tolentino.
May kabuuang 224kg ang nabuhat ni Diaz sa Olympics matapos buhatin ang 127kg sa kanyang final lift sa clean and jerk.
“I sacrificed a lot. I wasn’t able to be with my mother and father for how many months and years and then of course, training was excruciating, but God had a plan” saad ni Diaz sa isang panayam.