Connect with us

Sports

Palarong Pambansa 2024: Region VI nasa ikalawang pwesto na

Published

on

UMAKYAT na sa ikalawang pwesto ang Region VI-Western Visayas sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2024 na ginaganap sa Cebu City.

Batay sa partial & unofficial medal tally as of July 14, 2024 , alas-3:47 ngayong hapon, mayroon ng 34 gold, 24silver at 27 bronze ang Region 6.

Nangunguna pa rin ang NCR o National Capital Region na may gold (45), silver (35) at bronze (44).

Nasa ikatlo pwesto naman man ang Region IV‑A o CALABARZON na may gold (33), silver (29) at bronze (33).

Samantala, inaasahan namang madadagdagan pa ang mga medalya ng Region VI bago matapos ang naturang sporting events.