Sports
Philippine Azkals nag wagi sa friendly match laban sa Afghanistan
Tinalo ng Philippine Azkals ang Afghanistan sa isang FIFA International Friendly Match na ginanap noong nakaraang martes sa Rizal Memorial Stadium sa score na 1-2.
Umabante sa first half ang Afghanistan dahil sa goal ni Zelfagar Nazari at agad namang bumawi sa ika-73 na minuto ng isang puntos si Sebastian Rasmussen sa Pilipinas dahilan para maging tabla ang laro.
Winakasan ni Christian Rontini sa ika-81 na minuto matapos nito mag dagdag ng puntos para sa kupunan ng Pilipinas upang makamit ang pagkapanalo.
Ito ang kauna-unahang panalo ng Pilipinas laban sa Afghanistan matapos silang matalo nito noong 2006 at 2014.
Dahil dito, lumakas ang kumpyansa ng Azkal upang maka pasok sa sa FIFA World Cup at AFC Asian Cup third round qualifiers na magaganap sa Nobyembre.