Connect with us

Sports

Philippine Dragonboat nakasungkit ng Gold medal

Published

on

via | Sports5

Hindi rin nagpaawat sa pagsagwan ang national dragonboat team para makakuha ng gintong medalya sa 2019 Haive River International Dragonboat Championships na ginanap sa Tianjin, China.

Nasungkit ng Pinoy paddlers ang gintong medalya sa men’s 200m small boat category.

Nakuha din ng koponan ang pilak na medalya sa men’s 50m small boat event category.

Ang pagsabak ng national team sa naturang torneo ay bahagi ng paghahanda para sa 2019 Southeast Asian Games na idaraos sa bansa sa darating na Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa Subic.

“Winning gold and silver against strong teams from China is a good sign for us. Hopefully, madala namin yung magandang momentum sa SEA Games,” ani Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation national head coach Lenlen Escollante.

Target umano ng Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation na makakuha ng limang gintong medalya.

Source: Philstar.com/pm-sports