Sports
Pilipinas nakasungkit ng tanso sa Men’s Sepak Takraw
![](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2023/10/1.jpg)
![](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2023/10/1.jpg)
NASUNGKIT ng koponan ng sepak takraw ang kanilang kauna-unahang tansong medalya para sa Pilipinas sa 19 Asian Games kahapon, Oktobre 4 na ginanap sa Hangzhou, China.
Nabigo ang Pilipinas na makapasok sa grandfinals nang talunin ng defending Asian Games champion na Indonesia sa iskor na 15-21, 25-24, 21-17.
Naging magabal ang pagsisimula ng Pilipinas sa Set 3, na nahulog sa 0-4. Agad naman itong nakabawi sa kalagitnaan ng set ngunit muling naagaw ng Indonesia para maangkin ang kanilang puwesto sa finals.
Ayon sa Philippine Olympic Committee (POC), ito ang kauna-unahang medalya ng bansa sa Asian Games mula noong 1990.
Ang men’s sepak takraw ay binubou nina Jason Huerte, Mark Joseph Gonzales, Rheyjey Ortouste, Ronsited Gabayeron, Jom Rafael at Vince Torno.
Ito na ang ika-11 na medalya na nasungkit ng Pilipinas sa Asian Games.
Sa kabilang banda, tinalo naman ng Myanmar ang Japan sa iskor na 2-1, para i-set up ang gold medal match laban sa Indonesia.