Connect with us

Sports

Pinoy boxers pokus na sa 2020 Tokyo Olympics

Published

on

Photo/s from the web

Matapos makopo ng Pilipinas ang overall champion sa 2019 Southeast Asian Games, sunod na pagtutuunan ng pansin ng national boxing team ang pagsikwat ng tiket sa 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Sasalang ang Pinoy boxers sa ilang qualifying tournaments sa susunod na taon sa pag-asang makahirit ng puwesto sa Tokyo Games.

“That’s our next target. Yung mag-qualify sa Tokyo Olympics. Mahirap pero lalaban kami,” ani Carlo Paalam na nagkampeon sa men’s light flyweight division.

Napasakamay ng Pinoy boxers ang overall title matapos sumuntok ng pitong ginto, tatlong pilak at dalawang tansong medalya para lampasan ang dalawang ginto, isang pilak at dalawang tansong nakuha nito sa 2017 edisyon sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sunod na isesentro ng Pinoy squad ang pagsabak sa qualifying tournaments para sa 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Basahin ang buong detalye: Philstar