Connect with us

Sports

Region VI nasa ikatlong pwesto na Palarong Pambansa 2024

Published

on

Nasa ikatlong pwesto na ngayon ang Region VI o Western Visayas sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2024 na ginaganap sa Cebu City.

Batay sa partial & unofficial medal tally as of July 14, 2024 , alas-10:50 ngayong umaga, mayroon ng 30 gold, 23 silver at 25 bronze ang Region 6.

Nangunguna pa rin ang NCR o National Capital Region na may gold (44), silver (30) at bronze (43) at nasa pangalawang pwesto naman ang Region IV‑A o CALABARZON na may gold (33), silver (25) at bronze (31).

Samantala, inaasahan namang madadagdagan pa ang mga medalya ng Region VI bago matapos ang naturang sporting events sa July 16.