Connect with us

Sports

SA WAKAS! Timor-Leste nanalo nang unang medalya sa Sea Games 2019

Published

on

Photo courtesy| foxsports.ph

Nagkamit na ng unang medalya ang bansang Timor-Leste mula sa men’s flyweight boxing ng 30th SEA Games khapon, araw ng Linggo, Disyembre 8.

Hindi man nagawang talunin ng pambato ng Timor-Leste na si Jose Baretto Quintas Da Sil ang pambato ng Thailand na si Ammarit Yaodam sa semi-finals ay nakuha naman nito ang bronze medal.

Ito ang kauna-unahang medalya na nakamit ng bansa mula pa ng magsimula ang SEA Games sa Pinas noong Nobyembre 30.

Matatandaang maraming Pinoy ang sumusuporta rin sa Timor Leste na matagal-tagal na ring naghihintay na magkaroon sila ng medalya mula sa 30th SEA Games.

Sa nag-viral na post ng mga Pinoy na nagpapalakas ng loob ng naturang bansa dahil nararapat lamang daw na may maiuwing medalya ang mga delegado ng Timor Leste.

Laking pasalamat naman ng head of delegations ng Timor Leste na si NOC Vice President Vicente Carvalho da Silva sa kabutihan ng mga Pilipino na walang humpay ang suporta sa kanila.

Tiyak na nakikisaya rin ang mga Pinoy sa unang medalya na ito ng naturang bansa. KAMI.PH