Connect with us

Aklan News

SEA Games Aklanon gold medalist Mary Francine Padios, dumating na sa Aklan

Published

on

File Photo: April Zaulda/Radyo Todo

DAMANG-dama ni SEA Games Aklanon gold medalist Mary Francine Padios ang mainit na pagsalubong sa kanya ng mga kababayan na nag-abang sa kanyang pag-uwi Huwebes ng hapon sa Kalibo International Airport.

Hindi magkamayaw sa paghiyaw ang mga kamag-anak, kaibigan at tagasuporta ni Padios matapos itong magbigay ng karangalan sa bansa nang dumating ito na suot ang kanyang gintong medalyang.

Si Padios ang unang atletang nakasungkit ng gintong medalya ng Pilipinas sa ginanap na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Nakuha ng 18-year old athlete ang good medal sa Pencak Silat Women’s SENI (Artistic) Tunggal single event.

Sa ambush interview ng Radyo Todo kay Francine, lubos siyang nagpapasalamat sa lahat ng Aklanon ng sumusuporta sa kanya.

“Gapasaeamat gid ako, syempre indi ko man da mabuoe kung owa ro mga tawo nga nagasuporta. Basta akon malang hay I’m proud dahil proud man kakon ro mga Aklanon,” ani Padios.

“Syempre kay daddy gid-a dahil makaron kailangan gid namon ra. Sympre may mga mabato nga kwarta, hay para gid-a kay daddy ro kwarta ngato,” sagot ng batang atleta nang tanungin kung para kanino niya inaalay ang kanyang gintong medalya.

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng kanyang inang si Doneza Padios sa lahat ng mga suporta at nagmamahal sa kanyang anak.

“Pinakabugaeon ako makaron ag medyo ako ro naghampang. As a mother, sayod ko bisan sin-o nga ginikanan sobrang sadya… sobra, sobra as in,” masayang kwento ng ina ni Francine.

Magugunitang si Padios ay ipinalit kay 2018 Asian Games bronze medalist Cherry May Regalado noong magtamo ito ng knee injury bago ang 2019 SEA Games.