Connect with us

Sports

Stephen Holt, top pick ng Dyip sa PBA drafts

Published

on

Photo: Stephen Holt/Instagram

Mula sa 124 aplikante , nangunguna ang beteranong si Stephen Holt sa overall top pick ng Season 48 PBA Rookie Draft.

Umangat ang galing ng 31 years-old na American-Filipino na si Holt at pinahalagahan naman ito ni Dyip coach si Johnedel Cardel.

“It’s definitely one of my goals in my career to play in the PBA. You know I started out my career trying to pursue my NBA dream,” ani Holt sa online call na kasalukuyang nasa US dahil sa panganganak ng kanyang asawa.

Hinirang naman ni Blackwater coach Jeff Cariaso bilang No. 2 selection si Fil-Am Christian David mula sa Butler University.

Ang iba pang nakuha sa first round ay sina 6’7 Luis Villegas (No. 3) at 6’8 Keith Datu Jr. (No. 4) ng Rain or Shine, Zavier Lucero (No. 5) ng NorthPort, Ken Tuffin (No. 6) ng Phoenix, Richie Rodger (No. 7) ng NLEX, 6’8 Brandon Bates (No. 😎 ng Meralco, Schonny Wins­ton (No. 9) at BJ Andrade (No. 10) ng Converge, Cade Flores (No. 11) ng NorthPort at Taylor Miller (No. 12) ng Terrafirma.

Nahugot sa second round sina Bryan Santos (No. 14) ng Converge, 6’6 Henry Galinato (No. 15) ng Rain or Shine, Raffy Verano (No. 16) at Ricci Rivero (No. 17) ng Phoenix, Enoch Valdez (No. 18) ng NLEX, John Louisse Delos Santos (No. 19) ng Converge, James Kwekuteye (No. 20) ng Blackwater, JM Nermal (No. 21) ng NLEX, Louie Sangalang (No. 22) ng Terrafirma, Ralph Cu (No. 23) ng Ginebra at Adrian Nocum (No. 24) ng Rain or Shine.

Samantala, inurong naman ng PBA ang pagbubukas ng 2023 Commissioner’s Cup sa Nob­yembre 5.