Sports
TENNIS: Pinay Alex Eala, top 2 sa World Super Junior Tennis tourney sa Osaka


Nakapag-uwi ng parangal ang Filipino teen champion na si Alexandra “Alex” Eala sa isinagawang 2019 World Super Junior Tennis Championships na ginanap sa Osaka, Japan.
Ang promising netter ay Top 2 sa naturang torneo.
Dahil sa ipinamalas na galing ni Eala ay umabot ito hanggang sa final match laban kay Dianne Parry ng Fance sa Girl’s Singles Finals.

Bago ang kanyang Japan journey, una nang naging kampeon si Eala sa International Tennis Federation (ITF) Juniors 18under Grade A Tournament nitong Septyembre sa South Africa.
Nag-umpisa ang back-to-back karera ng 14-anyos matapos siyang ideklara bilang Best Overseas Player of the Year 2018 ng Tennis Europe Awards.
Kasalukuyang nasa ika-27 puwesto na ito sa world ranking ng ITF.
Source: goodnewsphilippines.com