Sports
Tennis player Ash Barty ido-donate ang mapapanalunan sa Brisbane competition sa mga biktima ng bushfire sa Australia
Ido-donate ng Australian tennis superstar na si Ashleigh Barty ang lahat ng kanyang mapapanalunan sa Brisbane International competition upang matulungan ang mga biktima ng Australia’s bushfire.
Sa press conference ng Brisbane International, inihayag ni Barty na nakapag-donate na ito ng mahigit Aus$30,000 sa Royal Society for the Prevention of Cruelty to Animals (RSPCA) upang matulungan ang mga nasugatang wildlife animals.
Ito ay matapos ang epekto ng sunog noong Nobyembre.
Napag-desisyunan muli ni Barty na ang lahat ng kanyang mapanalunan sa Brisbane, na mahigit US$250,000 ay ido-donate nito sa Red Cross para sa mga biktima ng bushfire.
Nagningning nitong 2019 ang 23-anyos tennis player nang manalo ito sa French Open at WTA Finals.
Hangad ni Barty na masungkit ang titulo bilang kauna-unahang Australian women’s number one kasunod ni Evonne Goolagong Cawley noong 1976.
Gayunpaman, lubos nitong pinaghahandaan ang gaganaping Australian Open para maging kauna-unahang local winner mula ng makuha ni Chris O’Neill ang titulo noong 1978.
Sourc: Inquirer.net