Connect with us

Sports

UAAP badminton: Solomon Padiz Jr. itinanghal na ‘Rookie of the Year’

Published

on

Solomon Padiz Jr, with NU school owner Hans Sy, bags the Rookie of the Year honor. Photo courtesy from Rappler.com

Itinanghal si Solomon ‘Monchie’ Padiz Jr. ng National University bilang ‘Rookie of the Year’ sa katatapos lamang na UAAP Season 82 badminton championship sa PNP Sports Center ng Camp Crame sa Quezon City.

Nagtala si Padiz ng kabuuang 13 panalo sa Team Tie Preliminary Round, 7 panalo sa men’s singles competition at 6 na panalo sa men’s doubles category.

Dahil sa natanggap nitong award, ipinahayag ni Padiz na mas naging inspirado at gagalingan pa nito para sa nalalapit na Southeast Asian Games kung saan dadalhin nito ang Pilipinas.

“This RoY award inspires me more in my quest for glory in the coming Southeast Asian Games where I will represent our country in men’s singles badminton event,” pahayag ni Padiz.

Ang 18-anyos ay tinalo nito ang beteranong karibal na si Keoni Asuncion ng Ateneo sa Game 2 ng Finals.

Inialay ni Padiz ang kanyang tagumpay sa kanyang teammates, mentors, NU top at sa kanyang ama na si Solomon Padiz Sr., na dating national athlete ng badminton.

Pagkatapos sa UAAP, tutukan ng PBA Smash Pilipinas ang pag-eensayo ni Padiz sa Indonesia bilang paghahanda sa 2019 SEAG Philippines sa Nobyembre 30 hanggang sa Disyembre 11.

Source: Philstar

Continue Reading