Connect with us

Tech

Apple naglunsad ng bagong AirPods na may special Hearing Aid features

Published

on

airpods pro 2

Cupertino — Ipinakilala ng Apple ang makabagong serye ng AirPods, kasama ang AirPods 4 at pinahusay na bersyon ng AirPods Pro 2, na nagtatampok ng all-in-one hearing health experience. Ang bagong advancement na ito ay isang mahalagang hakbang sa personal audio technology, lalo na para sa tinatayang 1.5 bilyon na tao sa buong mundo na naapektuhan ng pagkawala ng pandinig.

Makabagong Feature sa AirPods Pro 2

airpods pro 2 photo 2

Ang AirPods Pro 2 ay mayroong aktibong Loud Sound Reduction, scientifically validated Hearing Test, at clinical-grade Hearing Aid function. Ayon kay John Ternus, senior vice president ng Hardware Engineering ng Apple, “With AirPods 4, customers can enjoy Active Noise Cancellation and the most advanced audio experience ever in an open-ear design. And with a revolutionary update to the world’s best-selling headphones, AirPods Pro will deliver groundbreaking new capabilities — including Hearing Test and Hearing Aid features — to help more than a billion people affected by hearing loss.”

Ang mga tampok na ito ay naglalayong baguhin ang paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga gumagamit sa kanilang mga audio device, at pagpapabuti hindi lamang sa kalidad ng tunog kundi pati na rin sa kalusugan.

Disenyo at Kalikasan

airpods 4

Ang bagong AirPods 4, ay may dalawang modelo kabilang ang isa na may Active Noise Cancellation, ay may bukas na disenyong open-ear at gawa mula sa 100% recycled materials, bilang bahagi ng pangako ng Apple sa environmental sustainability. Kasama rin dito ang AirPods Max na mayroon nang USB-C charging at bagong mga kulay para sa mas higit na kaginhawaan.

Pagpapabuti ng Kalidad ng Buhay

Ang mga bagong feature ay magiging available sa mga gumagamit ng AirPods Pro 2 sa pamamagitan ng libreng software update na compatible sa iOS 18 o iPadOS 18. Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng Apple sa pag-integrate ng technology na may focus sa kalusugan sa kanilang mga produkto, layuning maiangat ang kalidad ng buhay ng mga gumagamit nito globally.

Ang pagpapakilala ng mga tampok na ito ay inaasahang magtatakda ng bagong pamantayan sa audio industry, binibigyang-diin ang papel ng Apple bilang lider sa teknolohikal ng inobasyon at accessibility.

Photo: Screen grab at Apple Airpods