Connect with us

Tech

Apple naglunsad ng Bagong iPhone na may Pinalakas na Artificial Intelligence

Published

on

apple intelligence

CUPERTINO – Inanunsyo ng Apple nitong Lunes ang bagong iPhone na dinisenyo para sa generative artificial intelligence bilang bahagi ng kanilang hakbang upang palakasin ang kita at ipakita na nananatili silang nangunguna sa teknolohiya.

Ang tech giant ay umaasa na ang ilulunsad na iPhone 16 ay makakahikayat sa mga customer na bilhin ang pinakabagong modelo, na pinalakas ng bagong AI features.

“We are thrilled to introduce the first iPhones designed from the ground up for Apple Intelligence and its breakthrough capabilities,” sinabi ni Apple chief executive Tim Cook sa isang event sa headquarters ng iPhone-maker sa Silicon Valley.

May $39 bilyon sa kita noong nakaraang quarter, ang iPhone ay nag-aambag ng halos 60 porsyento ng revenue ng Apple, at nananatiling pangunahing daan patungo sa mga serbisyo ng kumpanya gaya ng App Store o Apple TV, na patuloy na lumalaki bilang bahagi ng kanilang negosyo.

Samantala nakaalis na din ang Apple mula sa matagal na panahon ng mababang benta dahil mas pinipili ng mga gumagamit na manatili sa mas lumang mga modelo.

“This iPhone 16 release is all about Apple Intelligence and the unleashing of the consumer AI Revolution through Cupertino,” sabi ng Wedbust analyst na si Dan Ives.

“In essence Cupertino will be the gatekeeper of the consumer AI Revolution.”

Ang “Apple Intelligence” ay isang bagong suite ng software features para sa lahat ng aparato na inanunsyo noong Hunyo sa taunang developers conference ng kumpanya, kung saan inanunsyo rin ang pakikipagtulungan sa ChatGPT-maker OpenAI.

“For years, artificial intelligence and machine learning have been essential in delivering so many of the features and experiences you love,” ani Cook.

“In June, we launched Apple Intelligence, our powerful new personal intelligence system, which will have an incredible impact.”

Sa kasalukuyang panahon, kabilang dito ang mga AI-driven editing ng image, translation, at maliliit na creative touches sa messaging, ngunit hindi pa kasama ang mas ambisyosong mga breakthrough na ipinangako ng iba pang AI players kagaya ng OpenAI o Google.

Inaasahan ni Ives na sisimulan ng mga developer ang paggawa ng apps at serbisyo na may kaugnayan sa generative AI capabilities, na magpapasigla sa bentahan ng mga iPhones.

Inaasahan din ng Apple na ang bagong AirPod ear buds at smart watches ay magkakaroon din ng AI capabilities at ang Siri digital assistant.

Inihayag naman ng kumpanya ang mga bagong modelo ng Apple Watch at AirPods sa event.

Sa pamamagitan ng karagdagang AI capabilities, inaasahan ng Apple na “shake that expectation” at sa paglulunsad ng iPhone “just steady improvements in hardware and software,” sabi ni Techsponential analyst Avi Greengart.

Sa mas mahabang panahon, maaaring radikal na baguhin ng Apple ang karanasan sa paggamit ng iPhone gamit ang “super-powered Siri” na gumagana sa lahat ng apps, ayon kay Greengart.