Connect with us

Tech

‘Artificial leaf’ na naglilinis ng hangin at naglalabas ng ‘clean energy’, naimbento

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Naimbento ng mga scientists mula sa Canada ang isang ‘artificial leaf’ na nakahihigop ng carbon dioxide sa hangin at naglalabas ng ‘clean energy’.

Ayon sa mga nakaimbento ng nasabing teknolohiya, ang artificial leaf ay gumagamit ng proseso ng photosynthesis na tulad ng ginagawa ng isang totoong halaman upang ma-break down ang mapaminsalang kemikal.

Umaasa ang mga siyentipiko na makatutulong ang artificial kontra global warming.  Ayon kasi sa mga pag-aaral, ang carbon dioxide ay isa sa mga greenhouse gases na  nagdudulot ng matinding pinsala sa atmosphere ng mundo.  Ito ang itinuturong dahilan ng pabagu-bagong panahon at climate shifts.  Kung makakapag-produce ng maraming artificial leaf, mababawasan ang carbon dioxide sa atmosphere.

Ipinaliwanag ng lead researcher at propesor mula sa University of Waterloo na si Yimin Wu kung paano gumagana ang artificial leaf. 

“I tried to find a new way to mimic photosynthesis in nature, where leaves convert carbon dioxide and water with sunlight to produce glucose and oxygen.”

Dagdag pa ni Wu, layon ng nasabing imbensyon na mabawasan ang carbon dioxide emissions at maibsan ang global warming, at makapag-produce ng sustainable energy.

Ayon pa kay Wu, maraming taon pa ang bibilangin bago maging available sa merkado ang artificial leaf ngunit umaasa siya na pagdating ng  panahong iyon ay magiging bukas na ang mga malalaking kumpanya sa pagbabawas ng kanilang carbon emissions sa pamamagitan ng  paggamit ng leaf technology.

“I’m extremely excited about the potential of this discovery to change the game.  Climate change is an urgent problem and we can help reduce carbon dioxide emissions while also creating an alternative fuel,”  ani pa ni Wu.