Connect with us

Tech

‘Axie Infinity’ subject sa pagbayad ng income tax ayon sa BIR at DOF

Published

on

axie infinity online pay-to-earn games

Ayon sa Department of Finance (DOF) ang mga online pay-to-earn games, tulad ng Axie Infinity ay dapat “subject” sa income tax.

Sinabi ni Finance Undersecretary Antonette C. Tionoko na ang mga kinikita mula sa ganitong klaseng gaming platforms ay “subject to income tax.”

Ibinahagi rin ni Tionko na iniimbestigahan ng DOF at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Axie Infinity, isang adventure online game na dinevelop ng isang Vietnamese studio, Sky Mavis.

Ang Axie Infinity ay isang blockchain game na naging sikat sa Pilipinas sa gitna ng pandemiya. Pinapahintulot nito ang mga players na kumita ng “in-game cryptocurrencies” na maaring i-trade at i-exchanged papunta sa peso.

Ngunit, inamin ni Tionko na ang “characterization” patungkol kung ang Axie ay isa bang currency o security ay nanatiling unresolved pa ng Securities and Exchange Commission (SEC) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

“But regardless of how it is characterized, it’s taxable, subject to income tax,” sabi ni Tionko, head ng Revenue Operations Group ng DOF.

“Players earning from Axie are subject to payment of income taxes,”-BIR

Sinabi ng BIR, nitong Martes, na ang kinikita mula sa paglalaro ng cryptocurrency-based gaming platforms tulad ng Axie Infinity ay “subject to payment of income taxes.”

“It doesn’t mean na napunta kayo sa digital arena o digital world, eh hindi na kayo magdedeklara o hindi na kayo taxpayer,” ayon kay BIR Deputy Commissioner for Legal Group, Marissa Cabreros.

“Ang serbisyo ng paglalaro diyan kayo binabayaran ng income. Nabibigyan kayo ng benefits o currency na ginagamit o tini-trade ninyo to convert into money at nagagamit pambayad,” sinabi ni Cabreros sa Laging Handa briefing.

Batay sa BIR official, kung ang net income ng isang player sa loob ng isang taon, ay hindi tataas ng P250,000, sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, exempted sila sa pagbayad ng income tax.

“At the end of the day may flow of income na pumasok sa ating players so income din po ‘yan na pupwede pong maging taxable,” aniya.

Gayunman, sabi ni Cabreros na lahat ng players, kahit isa pa silang “scholar” o “breeder” kung kumikita sila sa paglalaro ng game, subject sila sa pagbayad ng income tax.

Hinihikayat ang mga players na mag-register sa New Business Registration system ng BIR, kung saan pwede nila ma-access sa website ng agency.

Reports from Manila Bulletin and GMA News

Continue Reading