Connect with us

Tech

AYON SA NASA, LIGTAS NA ANG EARTH MULA SA PAGTAMA NG MAPANIRANG ASTEROID

Published

on

Larawan mula sa slashgear.com

Ligtas na umano ang Earth mula sa posibleng pagtama rito ng isang mapanirang asteroid.

Nauna nang nagpahayag ang mga eksperto na sa 2068 ay maaaring tumama sa mundo ang sinasabing asteroid.

Subalit nitong nakaraang buwan lamang, naglabas ng panibagong pahayag ang mga eksperto. Ayon kay Davide Farnocchia ng Jet Propulsion Laboratory (JPL) ng NASA, “A 2068 impact is not in the realm of possibility anymore, and our calculations don’t show any impact risk for at least the next 100 years.”

Ayon sa mga eksperto, tinatayang may na 340 milyang lapad lapad na asteroid, at ang inaasahang maging distansiya nito sa mundo sa taong 2029 ay nasa 32,000 metro. Mas malapit ito kumpara sa mga communication satellites sa kalawakan.

Taong 2004 pa ng matukoy bilang banta sa Earth ang Asteroid 99942 Apophis. Sa pagtataya ng mga astronomers, ang Apophis ay maaaring maging “dangerously close to Earth” sa 2029.

Sa patuloy na pag-aaral ng mga eksperto sa galaw ng asteroid, ang posibleng pagtama nito sa Earth ay nausog sa 2036, at kalauna’y sa 2068.

Subalit “napadaan” ang asteroid sa Earth nito lamang ika-5 ng Marso, kung saan napagtanto nila ang magiging lokasyon ng asteroid sa 2029.na

Paliwanag ni Farnocchia, “With the support of recent optical observations and additional radar observations, the uncertainty in Apophis’ orbit has collapsed from hundreds of kilometers to just a handful of kilometers when projected to 2029.”

Maaaring hindi na tumama ang Apophis sa Earth, subalit asahan pa rin ang patuloy na paglapit nito, kung saan malinaw na makikita ang asteroid sa April 13, 2029, kahit walang telescope or binoculars.