Tech
BILL GATES, BALAK HARANGAN ANG SIKAT NG ARAW
Bilang tugon sa patuloy na paglala ng climate change, nais harangan ng bilyonaryong si Bill Gates, kasama ang mga de kalibreng siyentipiko ng Harvard, ang sikat ng araw.
Naniniwala ang mga mananaliksik at mga eksperto na maaari nilang sabuyan ng sulfate particles ang lower stratosphere para mapalamig ang mundo. Magagawa umano ito gamit ang isang specially-designed aircraft.
Ayon sa mga mananaliksik mula sa Harvard, kung mailulunsad ang proyektong ito, aabot sa humigit kumulang $3.5 bilyon ang magagastos, at karagdagang $2.5 bilyon kada taon.
Ang ideyang ito na solar geo-engineering o solar radiation management (SRM) ay itinuturing na kontrobersyal na paraan dahil kahalintulad ito ng epekto ng malalaking pagsabog ng bulkan.
Para naman sa ibang mga siyentipiko, ang teknolohiyang ito ay maaaring magsilbi bilang stop gap na makapagpapababa ng temperature habang isinasagawa ang mga paraan upang mabawasan ang carbon dioxide. May ilan namang nagsasabi na kapag ang SRM ay inihinto, magreresulta ito sa termination shock. Ito ay isang phenomenon na lalong magdudulot ng higit na mabilis na global warming.
Source:
https://news.yahoo.com