Tech
Bulag, umimbento ng smartcane na may Google Maps, Bluetooth at sensory device
Inimbento ng isang bulag na engineer ang isang smartcane na may Google Maps, Bluetooth at sensory device.
Ang WeWalk ay isang high-tech na tungkod na ginawa para tulungan ang mga bulag na magkaroon ng mas independent at ligtas na social life.
Ginawa ang smartcane ni Kursat Ceylan, CEO at co-founder ng non-profit organization na Young Guru Academy (YGU). Ang YGU ay isa lamang sa maraming responsable sa pagkakalikha ng gadget.
Sa isang pahayag, sinabi ni Ceylan na ang tungkod ay naglalayong magbigay ng accessibility sa mga hindi makakita.
“Unfortunately I cannot name a single city as a perfectly disabled-friendly city that is why we are trying to provide this independency for visually impaired people,” ani Ceylan.
Ang WeWalk ay may built-in speakers, voice assistance, Google maps, Bluetooth at iba pang mga applications. May high-end sensors din ito na magsisenyas sa gumagamit nito kapag may above chest level na harang na malapit dito. Magba-vibrate umano ang tungkod bilang hudyat.
Sinabi pa ni Ceylan na mas kailangan ng mga may kapansanan ang tulong ng teknolohiya.
“In these days we are talking about flying cars, but these people have been using just a plain stick,” ani Ceylan.
“As a blind person, when I am at the Metro station I don’t know which is my exit… I don’t know which bus is approaching… which stores are around me. That kind of information can be provided with the WeWalk.” dagdag pa nito.
Itinuturing na innovation ang pagdadagdag ng high tech features tulad ng voice assistance, Google Maps at Bluetooth sa isang assistive device.
“To me, WeWALK represents the end of an era and the start of a new one.” ani Ceylan.