Connect with us

Tech

Cyberattack laban sa US IT provider nagpasara ng 800 stores ng isang Swedish store chain

Published

on

cyberattacks

Ipinisara ng Swedish Coop, na isang grocery store chain, ang lahat ng 800 stores nito kahapon Hunyo 3, matapos ang ransomware attack sa isang American IT provider na naging sanhi sa hindi na magamit na mga cash registers ng nasabing grocery store.

Ayon sa Coop, isa sa mga malaking grocery chains ng Sweden, naapektuhan ng attack ang “tool” na ginagamit nila para sa pag-update ng kanilang checkout tills. Ibig sabihin nito, hindi sila maaring makakuha ng mga bayad.

“We have been troubleshooting and restoring all night, but have communicated that we will need to keep the stores closed today,” saad ni Therese Knapp, ang spokesperson ng Coop, sa Swedish Television.

Mayroon din daang daang negosyo ng mga Amerikano ang natamaan nitong Biyernes Hulyo 2, gawa ng “unsually sophisticated attack”. Na hijacked nito ang isang management software na dinevelop ng Miami-based supplier na Kaseya.

Pinahayag naman ng Swedish news agency TT, na ang technology ng Kaseya ay ginagamit ng Swedish Company na Visma Esscom. Sila ang nangangasiwa ng mga servers at mga devices ng maraming Swedish businesses.

Naapektuhan rin ng attack ang mga state railways services at mga pharmacy chain.

“They have been hit in various degrees,” sabi ni Fabian Mogren, chief executive ng Visma Essom, sa TT.

Sinabi ng Defense Minister Peter Hultqvist sa Swedish Television na ang attack na iyon ay “very dangerous” at pinapakita rin na dapat mas lalo pang mag-improve sa paghahanda ang mga negosyo at mga state agency.

“In a different geopolitical situation, it may be government actors who attack us in this way in order to shut down society and create chaos,” dagdag pa niya.

Ayon sa Kaseya, tinarget ng mga hackers ang software nila na VSA na ginagamit ng mga kumpanya sa pag manage ng digital services para sa maliit na negosyo.

Ang ransomeware attack ay ang pag encrypt ng mga hackers sa data o files ng isang kumpanya, matapos, hihingi sila ng pera para makuha ng kumpanya ang kanilang data o files.

Source: Rappler