Connect with us

Tech

Dahil sa pagbebenta ng mga impormasyon ng mga users nila, Twitter pinagmumulta ng $150M

Published

on

Dahil sa pagbebenta ng mga impormasyon ng mga users nila, Twitter pinagmumulta ng $150M

Pinagmumulta ng halagang  $150m o halos 8 bilyong piso dahil umano sa pagbebenta nito ng users’ data para sa mga self targeted na advertisements o patalastas.

Ayon sa Federal Trade Commission (FTC) at Department of Justice, may mga dokumentong nagpapatunay na nilabag ng Twitter ang ilang kasunduan nila sa kanilang regulators.

Sa pahayag ni FTC Chair Lina Khan, kinukuha ng Twitter ang mga impormasyon ng mga users nito sa pamamagitan ng panlilinlang na ito ay para sa pagpapaigting ng seguridad ng Twitter account nila.

“This practice affected more than 140 million Twitter users, while boosting Twitter’s primary source of revenue,” giit pa ni Khan.

Ito ay sa kabila ng pangako ng Twitter na hindi ipamimigay sa advertisers ang mga personal na impormasyon ng mga users nito gaya ng phone number at email address.

Minsan na ring pinagmulta noong 2020 ang Twitter ng £400,000 o mahigit 26 milyong piso dahil sa paglabag nito sa data privacy rules ng Europe.

Continue Reading