Tech
Dambuhalang asteroid, maaaring tumama sa mundo – NASA
Isang higanteng asteroid na pinangalanang JF1ang maaaring bumagsak sa mundo ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA). Ito ay halos kasinlaki umano ng Great Pyramid of Giza, at sinasabing tatama sa ika-6 ng Mayo, taong 2022.
Nasa 0.026% lamang o o isa sa bawat 3,800 ang posibilidad na tumama ito sa mundo, subalit kapag nagkataon, ay magiging mapaminsalang pangyayari.
Ang sinasabing asteroid ay may lakas na katumbas ng pagsabog ng isang 230 kilotons ng trinitrotoluene o TNT. Ito ay mas malakas ng 15 beses sa atomic bomb na may lakas na 15 kilotons na puminsala sa lungsod ng Hiroshima noong 1945.
Kung sa Pacific Ocean naman umano ito babagsak, maghahatid naman ito ng mga mapaminsalang tsunamis at “nuclear winter.”
Simula nang matuklasan noong 2009 ang maaaring maging mapaminsalang Asteroid Jf1, patuloy ang pagbabantay ng NASA Jet Propulsion Laboratory dito sa pamamagitan ng Sentry na isang “highly automated collision monitoring system that continually scans the most current asteroid catalog for possibilities of future impact with Earth over the next 100 years.”
Ayon sa mga siyentipiko, ang dambuhalang asteroid ay may sukat na aabot sa 420 talampakang lapad at 130 metro naman ang diameter nito.
Source: https://technology.inquirer.net