Connect with us

Tech

Internet speed ng bansa lalong bumilis at ang SMART ang may highest mobile internet speed score – Ookla

Published

on

Internet speed

Tumaas ang mobile at broadband global performance ranking ng Pilipinas noong Disyembre, ayon sa latest na Ookla Speedtest Global Index, habang ang SMART Telecom ang may pinaka-mataas na score sa mobile internet speed.

Ang median average ng mobile internet download ay nasa 19.2 Mbps noong nakaraang buwan, mula sa 18.68 Mbps noong Nobyembre 2021.

Umakyat rin ang global ranking ng bansa kung saan ika-88 spot ang Pilipinas sa 138 na bansa.

Samantala, bumaba ang mobile upload speed sa 5.60Mbps mula sa 5.64 Mbps.

Pinakita rin ng data ng Ookla na ang average median download speed ng fixed broadband ay nasa 50.26 Mbps, kung saan tumaas ng 9 na puwesto sa ika-63 na rank ang bansa.

Dagdag ng Ookla na ang bansa na may pinaka-mataas na median mobile internet download speeds ay United Arab Emirates, Norway, South Korea, China at Qatar, habang ang Singapore, Chile, Thailand, Hong Kong naman ang nanguna sa fixed broadband global performance.

Samantala, sa mga major providers ng internet sa Pilipinas, ang SMART Communications, Inc., ang wireless arm ng PLDT, Inc., ang nakakamit ng highest mobile internet speed score noong last quarter ng 2021, batay sa Ookla’s Q4 (fourth quarter) Internet Performance Report.

Ang speed score ng SMART para sa 4th quarter ay tumaas ng 68.79 mula sa 59.71 noong 3rd quarter, habang tumaas ang speed score ng Globe Telecom ng 32.67 mula sa 28.38.

(BusinessWorld Online)