Tech
ISA SA PINAKAMABILIS NA SASAKYAN SA MUNDO, IPINAGBIBILI NA
Ipinagbibili na ang Bloodhound supersonic car – ang sasakyang ginawa umano upang higitan ang kasalukuyang land speed record.
Isa ito sa mga naitalang pinakamabibilis na sasakyan noong 2019 sa isinigawang trials sa Kalahari desert. Ayon sa kasalukuyang may-ari ng Bloodhound na si Ian Warhurst, sinubukan niyang pag-igtingin ang proyekto subalit ipinapasa na umano niya ito sa magiging bagong may-ari.
Upang malampasan ang kasalukuyang rekord na 763mph (1,228km/h), kakailanganin ng Bloodhound ng karagdagang rocket motor. Ayon kay Warhurst, maaaari itong umabot sa £8m o mahigit 500 million pesos.
“I can’t put any more of my own money into the project, so it’s time for me to pass the baton to someone else to complete the job. And I’ll be cheering from the sidelines,” pahayag ni Warhurst.
Umabot sa 628mph (1,010km/h) ang takbo ng Bloodhound noong 2019. Pitong sasakyan lamang ang nauna nang nakapagtala ng lagpas sa 600mph na tulin.