Tech
‘Meta’, bagong pangalan ng parent company ng Facebook
Inanunsyo ni CEO Mark Zuckerberg na papalitan nila ng “Meta” ang pangalan ng Facebook parent company bilang parte ng rebranding ng kompanya.
Inilahad ito ni Zuckerberg sa ginanap na annual AR/VR conference ng Facebook nitong Huwebes.
Pero paliwanag niya, mananatili pa ring “Facebook” ang pangalan ng social media giant at iba pang applications sa ilalim ng meta kagaya ng Instagram, WhatsApp at Messenger.
“We’ve learned a lot from struggling with social issues and living under closed platforms, and now it is time to take everything that we’ve learned and help build the next chapter,” ani Zuckerberg.
Ipinaliwanag din ng CEO ang plano niyang bumuo ng “metaverse” na isang digital world, “We believe the metaverse will be the successor of the mobile internet. We’ll be able to feel present – like we’re right there with people no matter how far apart we actually are.”
Inaasahan niya na maaabot ng metaverse ang bilyon-bilyong katao sa susunod na dekada.