Tech
Mga Pilipino namangha sa bagong Earthquake Alerts System ng Google
Namangha ang mga Pilipino sa bagong update ng Google na nakakapag-notify ng ilang segundo bago magkaroon ng lindol.
Batay sa blog post ng Google, ang “Android Earthquake Alerts System” ay bahagi ng kanilang initiative para magkaroon ng pinakamalaking earthquake detection network sa buong mundo.
“With this free system, people in affected areas can get alerts seconds before an earthquake hits, giving you advance notice in case you need to seek safety,” ayon sa post.
Ito’y unang naranasan ng mga Pilipino nang nagkaroon ng lindol sa Occidental Mindoro noong Setyembre 27. Nakatanggap ang ilan sa kanila ng notification mula sa Google na nagbabala na may parating na lindol, at matapos ang ilang segundo, nakaramdam sila ng paggalaw ng lupa.
Dinala nila sa Twitter ang kanilang karanasan at gumamit sila ng #EarthquakePH.
“Bruhhh this new update is accurate wtf, the moment my phone vibrated it was legit shaking. Stay safe!” sulat ng isang user.
“Got the Google Alert right away. #EarthquakePH,” sinabi ng isa pang user.
“Google / Android is becoming really good at predicting when the quakes will happen. Got this again a minute before it happened,” kumento niya.
Ito ang mga hakbang na gagawin upang ma-activate ang earthquake alert system sa iyong smart phone.
Go to Settings.
Click on the Location.
Click the “Earthquake Alerts” to “On.”
Ang interface ng alert system ay naglalaman ng impormasyon kung paano ito gumagana, at magpapakita rin ito ng demo kung paano ma-nonotify ang iyong device.
Mga iba naman, nagpasalamat sa “loud text alerts” ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na natanggap nila habang o matapos nangyari ang lindol.
“In fairness dun sa text message alert ah. Nauna talaga seconds before the actual lindol. #EarthquakePH,” sinabi ng isang twitter user.
“Yung di ka nagising sa #lindol pero sa text ni NDRRMC napatayo ka #EarthquakePH,” sulat ng iba pang user.
(Source: Interaksyon.Philstar)