Connect with us

Tech

NOMOPHOBIA, TAKOT NA DULOT NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA

Published

on

Photo from www.economictimes.com

Mahigit isang dekada na ang nakalipas nang kinumisyon ng United Kingdom Post Office ang research organization na YouGov upang magsagawa ng pag-aaral hinggil sa damdamin at saloobin ng mga gumagamit ng mobile phone o cellphone. Dito unang ginamit ang salitang nomophobia.

Ang nomophobia ay pinaiksing “no mobile-phone phobia” kung saan ang isang tao ay nakararanas ng labis na takot at pagkabalisa kapag hindi nila dala ang kanilang mobile phone o cellphone, gayundin kapag hindi nila ito magamit dahil sa iba’t ibang dahilan gaya ng kawalan ng load o signal.

Sa kabuuang bilang na 2,163 na naging bahagi ng pananaliksik, lumabas sa pag-aaral na 58% ng mga kalalakihan at 47% ng mga kababaihang ang nakararanas ng nomophobia. 55% ang nagsabing hindi sila napapalagay kapag hindi nila magamit ang kanilang cellphone dahil dito sila nakikipag-ugnayan sa kanilang mga kapamilya at kaibigan.

Kamakailan lamang ay nagsagawa rin ng sariling pagsusuri ang Monash University, Melbourne hinggil sa nomophobia at lumalabas na parami na ng parami ang nakararanas nito. Ang nasabing pag-aaral ay nailathala sa International Journal of Environmental Research and Public Health.

Natukoy rin ng mga eksperto na habang tumitindi ang nomophobia ng isang tao, higit silang nauugnay sa mga mapanganib, maging sa mga ilegal na gawain. Nabatid rin na mahigit 4 sa bawat 10 kalahok ng pag-aaral ang gumagamit ng cellphoneng mahigit tatlong oras kada araw.

Hindi nakapagtataka na ang kadalasang nakararanas ng nomophobia ay ang mga kabataang nasa 18-25 taong gulang.

Kagaya ng ibang phobia, ang nomophobia ay maaaring makasama sa sino mang nakararanas nito. Ito ang pahayag ng mga ekesperto:

“Our results provide evidence for the notion that exhibiting a fear of being without one’s mobile phone can lead to problematic dependent, prohibited or dangerous use, each factor of which may pose significant health risks, such as over-use, anti-social use or reckless and physically compromising use.”

 

 

Sources:
www.psychologytoday.com
www.ph.asiatatler.com