Tech
Now Telecom, aprubado nang maging pang-apat na TelCo
25-year franchise extension ng Now Telecom, inaprubahan na ni Pres. Duterte.
Nakasiguro ang Now Telecom Company Inc. ng 25-year extension sa prangkisa nito para mag-operate bilang telecommunications company.
Ayon sa Now Corp., pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 22 ang Republic Act No. 10972, na nagpapalawig sa prangkisa ng Now Telecom hanggang 2043.
Ang Now Corp. ay kabilang sa local players na nakikipagpareha sa banyaga para makapasok sa “third telco” slot, na bubuwag sa kompetisyon lang sa pagitan ng PLDT Inc. at Globe Telecom Inc.
Sa social media post, sinabi ni Now Corp. president at CEO Mel Velasco Velarde, nakuha ng Now Telecom ang “tri-mega franchise” at hindi lang “mega telcom franchise”.
Ibig sabihin nito, nagkaroon ng pribilehiyo ang Now Telecom gaya ng tinatamasa ng Globe at PLDT.
Kabilang na rito ang paggawa, pag-operate at pagmantina ng mobile radio systems tulad ng radio paging systems, cellular phone systems, personal communication network, at trunked radio systems.
Article: Abante