Tech
One person, one social media account; SIM card registration – NBI
Sa kanilang pagtatangkang bawasan ang pagtaas ng cybercrime at online scammers, ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nagsisikap na gawing isang social media account lang kada tao, na kung saan ang Facebook ang nasa unahan at ang bare minimum nito.
Upang lalong mapalakas ang mandate, ayon kay NBI-Cybercrime Division chief Victor Lorenzo na ang proposed measure ng registration ng mga prepaid subscriber identity module (SIM) ay dapat na mapatupad.
“Malaking tulong sa law enforcement perspective ‘yung one person, one social media account. Malaki din tulong ‘yung SIM [Card] Registration Act nation,” sabi ni Lorenzo.
Noong Hunyo, inulit ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na dapat magkaroon “one person, one facebook account” policy upang mapigilan ang online trolling sa darating na halalan.
Pinahayag rin ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na sang-ayon siya sa proposal ni Sen. Pres. Sotto, ayon sa kanya, kailangan ng Facebook na gawing requirement dapat ang tunay na pangalan ng mga netizens upang mapigilan ang pagkalat ng mga fake news at scams.
“There should be greater netizen’s commitment and accountability so it won’t be all fake news and character assassination and even scams that we’re seeing,” pahayag ni Chief Gen. Eleazar.
Sa kasalukuyan, lahat ng bills kaugnayan sa nasabing paksa ay pending parin sa Senado at House of Representatives.
Source: Yugatech