Connect with us

Facts & Trivia

PAG-IIBIGANG NAGSIMULA SA DATING APPS, MAS TUMATAGAL AYON SA PAG-AARAL

Published

on

Larawan mula sa talktabu.com

Para sa karamihan, ang mga relasyong nabuo sa dating apps ay mababaw at pangmadalian lamang. Taliwas ito sa naging resulta ng isang pag-aaral na isinagawa sa Switzerland.

Ayon ito sa naging resulta ng 2018 family survey na isinagawa ng University of Geneva (UNIGE) sa 3,235 na kalahok.

Lumabas sa pag-aaral na ang mga magkasintahang nagkakilala sa isang dating app ay mas pursigidong patatagin ang pagsasama at magkatuluyan.

Sa pahayag ni Gina Potarca, isang researcher sa Institute of Demography and Socioeconomics ng Faculty of Social Sciences sa UNIGE, “The study doesn’t say whether their final intention was to live together for the long- or short-term, but given that there’s no difference in the intention to marry, and that marriage is still a central institution in Switzerland, some of these couples likely see cohabitation as a trial period prior to marriage.”

Napag-alaman din sa naturang pag-aaral na ang mga magkarelasyong nagkakilala sa dating apps ay masaya at kuntento sa kanilang pagsasama tulad ng ibang pinagtagpo sa ibang paraan o pagkakataon.

Dagdag pa ni Potarca, “The internet is profoundly transforming the dynamics of how people meet.” Sa pamamagitan umano ng dating apps, nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao upang makihalubilo sa iba’t ibang uri ng personalidad.

Nakatutulong din umano ang teknolohiya ng dating apps sa mga nabubuong long-distance relationships, dahil kaya nitong pag-ugnayin ang mga nasa magkalayong lugar.

“Knowing that dating apps have likely become even more popular during this year’s periods of lockdown and social distancing, it is reassuring to dismiss alarming concerns about the long-term effects of using these tools,” saad pa ni Potarca.