Tech
Paggamit ng social media ng mga 13-anyos pababa, nais ipagbawal ng solon
Isinusulong ng isang mambabatas ang isang panukala na naglalayong i-ban o ipagbawal ang mga batang edad 13 pababa mula sa paggamit ng social media sites tulad ng Facebook at Twitter.
Isinumite ni Laguna 1st District Rep. Danilo Ramon Fernandez ang House Bill No. 5307 o “Social Media Regulation and Protection Act of 2019,” na naglalayong magmandato sa mga social media companies na nago-operate sa bansa na pagtibayin ang features ng mga ito sa pagbabawal ng mga 13-anyos pababa.
Nais ni Fernandez na pagbawalan ang mga social media companies sa pangukolekta ng mga personal na impormasyon at lokasyon mula sa mga may edad 12 pababa nang walang parental consent. Ang mga impormasyon mula sa may edad 13 hanggang 17 taon naman ay hindi maaaring kunin nang walang user’s consent.”
Batay sa explanatory note ng naturang bill, “with the advent and creation of social media, children and adolescents’ every move is monitored online, and even the youngest are bombarded with advertising when they go online to do their homework, talk with friends, and play”.
Ayon kay Fernandez, nais nitong protektahan ang ‘well-being’ ng mga bata sa pamamagitan ng pagprotekta sa kanila mula sa online threats.
Sa oras na maging maaprubahan ang batas na ito, imamandato din nito ang lahat ng netizens na limitahan hanggang 30 minuto lamang kada araw ang paggamit ng social media sites, sa lahat ng devices.
“Users would be able (to) change the limits but they would have to do so every week” ayon din dito.
Ayon kay Fernandez na ang panukala ay “not only strengthens privacy and security, specifically for children and minors, but also champions consumer protection.”